ilang minuto

                                                                                       
ilang minuto lang ang kailangan upang gumawa ng sulat
ilang minuto lang para bumili ng stamp at ihulog ito sa post office
ilang minuto para sabihin sa isang kaibigan na siya’y naalala mo,
salamat kaibigan sa pagbibigay ng ilang minuto.                                                                                     

sa ilang minuto ay kaarawan na ni nang bjo.

tatanda nanaman sya, panibagong taon.
ano naman kaya ang mang-yayari sa kanya sa taong ito?
maligayang kaarawan nang bjo!                                                                                                                        
sa ilang minuto ay linggo nanaman.
araw ng pahinga.
at araw na ng christmas cantata sa University Church kung saan kami ay sumali at kakanta.
yey sa wakas, malapit na!                                                                                                   
sa ilang minuto ay christmas party na ng Calvary Chapel.
yan ang inaattend-an ko na simbahan ngayon.
yey, kainan, kasiyahan, kaibigan.
syempre may awitan, kamustahan, tsikahan, at kulitan.                                                                                                      
sa 180 minuto lang namin pwede kunin ang pagsusulit namin sa lunes.
ilang minuto lang para mag-isip.
ilang minuto para suriin kung mayroon nga ba kaming natutunan, naintindihan at naalala sa nakalipas na limang linggo.
ilang minuto lang ng pagdurusa, tapos tapos na.                                                                                                      
ilang minuto lang ang kailangan para masagip ang buhay ng tao.
mga minuto na mahalaga para matulungan ang isang stroke patient, MI patient o mamang naaksidente sa pagmomotorsiklo.
ginintuang mga minuto na may magagawa ka para magkaroon pa siya ng madami pang mga minutong susunod pa.
alam mo ba ang gagawin mo sa ilang mga minuto?                                                                                              
sa loob ng ilang minuto ay nagkaroon ng pasko.
sa loob ng ilang minuto nagkaroon ng pag-asa ang tao.
binilang Niya kaya ang minuto bago makarating dito?
ilang mahabang minuto ang inilaan Niya sa krus para sa yo?
ilang minuto lang ang kailangan mo para makamtan ang kaligtasan na bigay Niya sa iyo
ilang minuto lang at pwedeng magbago ang buhay mo
ilang minuto, buhay ang kapalit nito,
sa ilang minuto ay binigay Niya ang kanya para sa iyo.
magbibigay ka ba ng ilang minuto mo?

Leave a Reply