Archive for April, 2006

reunion ulit

Sunday, April 23rd, 2006
nung sabado ay isa nanamang grupo ng mga tao ang nakasama ko (naks, parang ethnic group o tribe ang dating)! sila naman ay ang mga nakasama ko ng isang buwan sa isang malayong bundok sa Cebu noong 2003. o tama naman diba, tribo nga, galing bundok. haha! sila ang KCmates ko (boring!).
present sila:  tarits - syempre di to mawawala dahil dakilang organizer forever naman to.
                   jenmai - ahem. call-boy na kaya nasa manila
                   cj bicol - na nagbalik galing japan at ganun pa rin
                   heero - na kasama ni cj nagpasiklab ng swirly bits samen. big time na tong mga boys na to ngayon
                   kuya cres - na paborito kong kcmate
                   erwin - congratulations graduate!
                   ate jo - na pretty pa rin, blooming!
                   cherry - pasaway pa rin ever
                   may untalan - ay abaw! isa pang transferee ito galing west vi parang si jenmai, working girl na rin
                   at ako.
tinawagan namin si nono at si joni. sayang at wala sila. kumain lng naman kami sa SuperBowl of China. ang saya nga kase nilibre nung mga may work ung mga studyante pa (at isa ako dun sa mga studyante pa). yey! buti na lng ang babait ng mga Kcmates ko. after eating, tumambay lng kami sa kapihan sa labas, tumingin sa bazaar, at nagtawanan at nagtawanan at nagpicture-an at nagpicture-an pa ulit. wheeee! ang sayasaya! boring! joke. sayang wala ung ibang KCmates. sad. naalala namin kayo. sobra. next time kitakits na lng tayo sa heaven. hehehe.
kasama namin nung una ung kc2k4 pero si lorah na lng ung naiwan hanggang huli. si jb, si jun, si jenny at si lorah (jorah? para puro j) sa foodcourt nung mejo maaga pa. kaya lng umuwi na rin sila agad dahil masyado nang maraming 2k3 at nahiya na sila. weheheh. kunyari lng.
KC2k3. Keeping the Faith, Heeding the Call. are we still doing that? badtrip theme namin noh? di mo man lng matakasan… laging nanggugulo ng buhay… haaay… =) oo na, na-miss ko na kcmates ko! miss ko kayo!

high school friends

Friday, April 21st, 2006
yesterday, i met with my barkada in high school. (o diba, marathon ito!) we met at megamall din dahil un naman tlga ang pinaka-accessible na lugar for us. owel, ayoko naman kase sa sm north noh! four years na kaming nabuhay sa SM North so maiba naman kami ngayon. =)
it was the first time after graduation that the six of us were able to meet and eat together! o di ba! six years after graduation pa bago kami nagkita-kita ulit na complete. diana, lory, johnell, flor, bevs and ako. wala nman nagbago sa aming anim. except siguro may tumaba (ahem, hindi lang ako noh!) at tumangkad (madaya ung heels!). at may mga "friends" ung ilan. whahaah. sana di naman sila na-OP (na-op ba kayo?)  hehe.
si diana ang dahilan kung bakit tayo lahat ay may tubig sa ating mga bahay (sa MWSS siya nagwowork). payat siya ngayon dahil sa hirap ng pagbobomba ng tubig papunta sa mga bahay-bahay. kaya pagpatuloy mo yan di ha. malaking serbisyo yan sa bayan. =)
si johnell ang aming pinakabagong engineer! yahoo! congratulations! siya lng sa amin ang hindi nag-aral sa UP pero siya ang DOST scholar hanggang nag-graduate at engineer na nga siya ngayon. o diba. saya! mataba na siya ngayon, sa wakas ay kita na sa katawan nya ang lakas nya kumain. yehey.
si flor ay ‘presi’ pa rin ang dating. siya ang aming future engineer naman. tutor at landlady siya sa ngayon. at siya rin ata ang pinakamalapit nang magpakasal sa aming lahat. wwahahah!
ang magandang mommy sa amin ay si lory. maliit yan siya dati pero ngayon matangkad na (ahem). ngayon, bading na rin siya. dati kase boy yun e. but no. kikay na siya ngayon. pero as usual, di pa rin nagsusuklay. role model ko yan e (mas matanda kase siya saken) kaya di rin ako nagsusuklay. hehe.
si bevs ay dapat i-congratulate. congratulations bevs! dahil sa aming maliit na pagtitipon kahapon ay first time nyang naka-uwi ng 11pm sa tanang buhay nya *cartwheel* whee!!! congratulations! at siyempre, siya pa rin pinaka-kakaiba sa amin lahat. i forget how many ear piercings she has. kung ako meron lng five, doble siguro ung kanya. and she has this long lock of hair na parang buntot. cool noh. =)
syempre meron din kaming guest na bad girls. si mike at si tata! and of course, pretty pa rin sila pareho. sugar high pati. hehe. ang kulit! and we had louie and carlo as added guests as well.
la lng, pinagtawanan lng naman namin ang isa’t isa at ang mga pinaggagagawa namin nung high school. hehe, pero enjoy. =)

kahapon

Tuesday, April 18th, 2006
masaya kahapon. at kaninang umaga.
kahapon nagkita kami ng mga classmates ko ng elementary. 10 years na since nag-graduate kami. imagine. sa totoo lng, isang rason sila kung bakit gusto kong bumalik dito sa manila every so often. dahil alam ko magkikita nanaman kami. at matutuwa nanaman ako. i really make it a point to meet karen (at least) tuwing andito ako sa manila. si nelda, si kaye, si karen at si daniel. kami ang nagkita kahapon sa megamall. sayang wala si thelema… na-miss ka namin tetel.
late lng naman ng apat na oras si kaye. hay nako. humaba na lng ang buhok ko. buti hindi pa tumuwid. malungkot tlga sa megamall kung mag-isa ka lng. di ko na maalala kung ilang Asterix books ung nabasa ko sa tagal ko dun! nakabasa pa ko ng Calvin & Hobbes. buti na lng may Powerbooks sa Megamall. =) sa tagal ni kaye ay inexpect kong naka-gown siya pag nagkita kami. haha! pero naka pants and blouse lng siya. sad.
at siyempre nagulat ako nang nakita ko si nelda. grabe, ang laking pagbabago! hay nako nelds, sino bang mag-aakala diba. namiss kita! at mataray ka pa rin. parang ako. hehe. salamat sa pagpapatuloy sa bahay nyo. nako, uhugin pa tayo at ang cocorny nung last ako nakapasok dun. (o well, ngayon naman, corny pa rin si daniel. wahaha!)
at si karen. kahit wala kaming panga-pangalan, at least alam naming hindi kami corny! whehehe. nakakamiss si karen. forever barkada tlga, di na kelangan sabihin pa. kaming dalawa at si thelema ang masasayang babae sa epep na hindi komplikado ang barkada life. at sobrang nakakahawa ang tawa nya. siya ang lagi kong tinitext tuwing andito ako sa manila. at siya rin ay laging handa na ihatid kami lahat isa-isa hanggang sa pinto namin. wag ka mag-alala karen, dadating din ~siya~. hehe. *hug*
at ang kaisa-isa naming lalake, si daniel. ang forever seatmate ko. boy bestprend. if that could be applied. pinapaiyak nya ko dati kase malakas siya mang-asar. tapos di ko siya mapikon, kainis. mas magaling siya saken sa jackstone at jumping rope. at siya rin nagturo saken mag-table tennis (at napagalitan ako ni nanay kase late na ko umuwi!). pero ngayon may panlaban nako sa kanya. e pano ba naman, in lab! at kahapon-er-kanina nya lng binalita saken. wahahahahah! hindi saken ah. hello naman diba. kahit hindi nya sinasagot ang text o tawag ko, sige lng. naiintindihan ko. in lab ka eh. ~_^!
haay… nakakamiss ang elem. *tears, tears*. 10 years ang binubuno natin dito. haha! salamat sa kahapon at sa kaninang umaga.

excited

Saturday, April 1st, 2006
Wheeee2excited nako… excited nako… excited nako…
27 days na lng…. waaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaahhhhh!!!!!
this is so exciting!
wheeeeeeeeeee!!!!