ulan
Tuesday, July 26th, 2005ulan.
buong gabi.
baha.
akala ko naiwan ko na sa maynila ang baha kasama ng matinding pag-ulan. mali ako. paggising ko kaninang umaga ay malakas pa rin ang ulan, walang patid simula pa kagabi. dahan-dahan akong nagbihis at inisip kung paano ako pupunta sa eskwelahan.
bahang-baha sa garahe namin at pati na sa labas ng bahay. malapit na mag-alas-otso at male-late na ako sa klase ko. pinagkabit-kabit ng housemate ko ang mga kahoy sa garahe namin at yun ang tinapakan ko papunta sa gate. at dun ako naghintay ng trisikad. pagsakay ko, umaalon ang tubig sa bawat pagdaan ng mga sasakyan.
nagpahatid lng ako sa may kanto. at pagdating ko dun ay na-stranded nanaman ako dahil puno na lahat ng sasakyan. kukuha sana ako ng taxi (naks, sosyal!) para sunduin ang mga kaklase ko na kapitbahay ko din para sabay-sabay kami makapunta sa school. pero walang taxi. makalipas ang ilang mahabang minuto… dumaan and Adventure na sasakyan ng mga upperclassman na kapitbahay ng mga kaklase kong dapat susunduin ko ng taxi. ayun. nagsisiksikan kami sa loob at sabay na nagpunta sa college.
pagdating namin dun… ay nasa labas ang aming iba pang mga kaklase at… walang pasok.
sayang. sa damit at sa oras at sa pagkabasa. sayang tlaga.
makapag-aral na lng nga paguwi ko. un e, kung humupa na ang baha.